IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

28. Ang paglabag ng isang manunulat kung intensyunal ang pagkopya sa ginawa ng iba ay
maaring kasuhan ng dishonesty.
A Piracy
B Theft
C. Plagiarism
D. Kasinungalingan


Sagot :

Plagiarism ang tawag sa paglabag ng isang manunulat kung intensyunal ang pagkopya sa ginawa ng iba. Ang sinumang lumabag ay maaring kasuhan ng dishonesty.

Ibig Sabihin ng Plagiarism

Ang plagiarism ay ang pagkopya ng ideya, salita, o gawa ng ibang tao at pagpapanggap na ito ay sarili mong gawa. Ito ay isang uri ng pandaraya at hindi ito katanggap-tanggap sa akademikong mundo at sa iba pang larangan.

Mga Kaanyuan ng Plagiarism

  • Direct Plagiarism - Ito ang tuwirang pagkopya ng mga salita mula sa isang akda nang walang pahintulot o tamang pagkilala sa may-akda. Halimbawa, kung kopyahin mo ang isang talata mula sa isang libro at hindi mo ito ilalagay sa panipi o hindi mo ito bibigyan ng kredito, ito ay direct plagiarism.
  • Self-Plagiarism - Ito ay kapag ginamit mo ang sarili mong dating gawa o sulatin sa ibang pagkakataon nang walang tamang pagkilala. Halimbawa, kung isusumite mo ang isang sanaysay na ginawa mo noon sa ibang klase nang hindi ito binabago o hindi sinasabi na ito ay mula sa iyong nakaraan.
  • Mosaic Plagiarism - Ito ay ang pagkuha ng mga pahayag o ideya mula sa iba't ibang pinagkukunan at pagsasama-sama ng mga ito sa isang bagong akda, ngunit hindi mo pa rin ito binibigyan ng tamang pagkilala. Halimbawa, kung kumuha ka ng mga pahayag mula sa iba't ibang artikulo at pinagsama-sama ito, pero hindi mo sila binanggit, ito ay mosaic plagiarism.
  • Accidental Plagiarism - Ito ay nangyayari kapag hindi mo sinasadyang nakalimutan na bigyan ng kredito ang isang pinagkuhanan ng impormasyon. Halimbawa, kung hindi mo naitala ang isang pinagkunan habang nagsasaliksik at ginamit mo ang impormasyon sa iyong gawa, maaaring ito ay maging accidental plagiarism.

Anong batas sa Pilipinas na kinapalooban ng plagiarism

Sa Pilipinas, may kaugnayan ang plagiarism sa Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act 8293. Ito ay naglalaman ng mga batas at proteksyon para sa mga may-akda laban sa pagnanakaw ng kanilang likhang-sining.

Paano Maiiwasan ang Plagiarism

  • Magbigay ng Kredito - Palaging ilagay ang pangalan ng may-akda at ang pinagkunan ng impormasyon.
  • Gumamit ng Tamang Pagsipi - Alamin ang tamang paraan ng pagsipi batay sa estilo ng pagsulat na iyong ginagamit (hal. APA, MLA).
  • Sumulat sa Iyong Sariling Salin - Subukang ipahayag ang mga ideya sa iyong sariling mga salita.
  • Gumawa ng Listahan ng Mga Sanggunian - Isama ang lahat ng pinagkunan ng impormasyon sa dulo ng iyong sulatin.

Lubos pang matuto tungkol sa plagiarism dito:

https://brainly.ph/question/543009