IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Nandyan ba palagi si mister upang makinig sa mga saloobin ni misis?
Para sa akin, bilang isang miyembro ng pamilya na may layuning mapagkasundo at maunawaan ang saloobin ng aking mga magulang, oo sapagkat base sa aking karanasan, sa tuwing nagpapahayag ng saloobin ang aking ina ukol sa espesipikong bagay, palaging nagbibigay ng pantulong na kaisipan o ideya ang aking ama ukol sa sinasabing bagay na maaaring magpahayag ng suporta't pagmamahal nila sa isa't-isa. Maaari ko ring ipahayag na ang ganitong umiiral na sitwasyon sa aming tahanan ay nagbibigay at nagdadala sa amin ng kasiyahan at tuwa sa halip na, lungkot at pag-aalala, dahil aming nakikita na sila'y nagkakabati at nagkakaintindihan sa isa't-isa.
Halimbawa, ang sitwasyong iyon ay tungkol sa babayarin sa kuryente at tubig, ang aming ina ay namomroblema sa kung paano ito tutubusin, ang aming ama ay nagbibigay-paraan upang maresolba ang problemang gumugulo sa isip ng aming ina sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang allowance at sahod.
Mahalaga na makinig tayo sa saloobin ng isa't-isa lalo na sa pamilya, ika nga nila'y ang ating mga magulang ay haligi at ilaw ng tahanan na bumubuhay sa atin at nagbibigay-responsibilidad, at isa pa, ang pakikinig sa saloobin ng bawat tao ay makatutulong upang agarang malutas ang mga suliranin sa espesipikong sitwasyon.
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.