Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
TULA TUNGKOL SA ISYU NG ATING BANSA
"Kahirapang Natatamasa"
Kahirapan, ito'y ating ipaglaban,
Sariling pananaw, problema'y malinaw,
Marapat na ating solusyunan,
Upang umahon sa hirap balang-araw.
Ang kahirapa'y lubhang laganap,
Ang kakulangan ng pera'y, kanilang hinaharap,
Maging mga mahihirap ay inaabuso,
Ginagawang biro ng gobyerno.
Ang hirap ay nandito, ang hirap ay nandyan,
Kahit saang sulok, kahirapa'y natatagpuan,
Kahit anong gawin, bukambibig ay kahirapan,
Kaya, nangangailangan ng paraan.
Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang layunin,
Mapa-estudyante man o matanda, bansa'y kayang paunlarin,
Basta't tayong mga Pilipino'y magkakaisa,
Kahirapa'y mapupuksa't maglalaho ng parang bula.
Nakalulungkot isipin na ang ating mga kababayan ay nakararanas ng ganitong uri ng pagsubok sa kanilang mga buhay, na talaga namang tumatatak sa kanilang puso't isipan, gaya ng kung paano nila ito kahaharapin, paano nila ito sosolusyunan, at higit sa lahat, paano sila mabubuhay.
Isa ito sa mga isyu sa Pilipinas na mayroong malaking porsyento sa ilan pang mga kinahaharap na isyu ng bansang pilipinas. Sinasabi na nakaaapekto raw ito sa pagkababa ng life expectancy ng Pilipinas, na hindi naman kayang solusyunan ng ating gobyerno at ilan pang nakatataas sa atin. Dahil dito, mayroong tsansa na makasasagabal lamang ito sa kinabukasan ng bawat indibidwal na kumakaharap nito, maaaring makasira sa pangarap at kurso ng iilan sa mga estudyante at iba pa.
Sa kabila ng mga ito, iisa lang ang marapat nating gawin, iisa lang ang ating layunin, iyon ay tayo'y magsunog ng kilay at gawin itong inspirasyon nang saganun, ito'y ating malagpasan. Ika nga nila'y, "Kahirapa'y gawing inspirasyon, balang-araw, ikaw din ay aahon".
Hope it helps!
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.