IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sa aking palagay, kung ating isasalin yung salitang commuter sa wikang tagalog, eh, wala tayong makikitang pinaka-eksaktong baybay nito sa tagalog, kundi ang salitang-hiram lamang na komyuter at ang kahulugan nito.
Bago ko ipaliwanag ang komyuter, ang salitang-hiram ay ang mga salitang nakasalin sa Ingles na maaaring isalin din sa salitang tagalog, tulad ng: salitang towel sa ingles o tuwalya, cellphone o selpon, at marami pang iba.
Ang komyuter ay nagpapakahulugan sa iba't-ibang uri ng tao, mapa-estudyante man, kabataan, o matanda na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon tulad ng tren, jeep, tricycle, e-bike, at iba pa.
Nakatutulong ito sa kanila upang mas mapabilis silang makapunta sa kanilang paroroonan, lalo na sa mga estudyante maaaga ang pasok, mga matatanda't teenager na mayroong trabahong pupuntahan, lalo na sa panahon ngayon na nagkakalat at nagsisidatingan na ang mga bagong transportasyon tulad ng e-bike.
#NoToJeepneyPhaseOut!