IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Bumuo ng tula sa anyong balagtasan tungkol sa "Anong mas mauuna, ISIP o PUSO?". Sa hakbang PAGBUBUKAS at PAGPUPUGAY.

Kailangan po ulit! Maraming salamat! ​


Sagot :

BALAGTASAN

"Anong mas mauuna, ISIP o PUSO?".

(Lakandiwa)

PAGBUBUKAS:

Magandang araw mga kamag-aral,

Narito kami upang ibahagi sa inyo ang bawat asal,

Ng mga makata na nasa inyong harapan,

Kaya naman, kani-kanilang saloobi’y ating tunghayan.

Sa mga katanungang pilit dunong at damdami'y ginugulo,

Ano nga ba ang mas lamang?, anong mas karapat-dapat sa ating palad?, ang isip o ang puso?

Ako po si (ang inyong ngalan),

Ang magsisilbing sentrong lakandiwa para sa inyo.

Nawa’y inyong subaybayan hanggang sa dulo,

Ang magpapairal ng mga makabuluhang pahayag sa balagtasang ito,

Pakinggan ang kanilang mga hinaing,

At katahimika’y aming hiling.

Halina’t kilalanin natin ang kanilang mga ngalan,

Maging ang kanilang katwira’y saksihan,

Mga kuro-kuro’t tugon na mahalagang malaman,

Ano pang hinihintay ninyo?, atin nang testiguhan.

PAGPUPUGAY:

ISIP: (Unang mambabalagtas)

Taglay nitong talino’y susi tungo sa kaunlaran,

Ideya’t kaisipan na sagana sa kaalaman,

Angking liwanag sa gitna ng kamalia’t kahinaan,

Patnubay sa bawat lulan ng karim-lan.

Isipa’y ang marapat humigit,

Desisyo’t pasya ang laging banggit,

(ang iyong ngalan) ang aking pagkakakilanlan,

Handa nang makipagsagutan at makipagtalastasan.

Hindi ba’t talas ng isip ang marapat gamitin?,

Imbis na tibok ng puso ang paiiralin,

‘Pagkat ika nga nila’y lason ang pag-ibig,

Kaya, isip ang dapat manaig, sa isip kayo pumanig.

PUSO: (Pangalawang mambabalagtas)

Sinasaliwan ng makahulugang pintig,

Pag-ibig, ng may kasamang himig,

Tibok nito’y nagpapahiwatig,

Bawat damdaming inialay, tuminig.

(ang iyong ngalan) po ang aking ngalan,

Handang ipaglaban ang sariling paninindigan,

Titindig ang nararamdaman,

Hindi magbabago kahit kailan man.

Bakit ba ang isip ang siyang nakatataas?,

Kaalama’t imahinasyo’y hindi naman laging bukas,

Kaya, puso’y inyong kampihan,

Dikta nito’y hinding-hindi ninyo pagsisisihan.

EKSPLANASYON:

Ang Balagtasan ay nagtataglay ng mga sumusunod na hakbang upang maiparating ang mensahe, emosyon, opinyon, suhestiyon nang may katwiran at kaayusan ukol sa paksang binibigyang-diin at mga salitang makatarungan na maaaring mailapat dito. Ito ay karaniwang binubuo ng tumpak na tono sa pananalita, galaw ng kamay upang maipadama ang sariling interpretasyon, pagdèdebate ng magkabilang panig, kalakasan ng boses, mga matatalinhagang salita at iba pa. Narito ang mga sinasabing hakbang upang makabuo ng isang mahusay at epektibong balagtas:

  1. Pagbubukas
  2. Pagpupugay
  3. Pagtanggap
  4. Tindig
  5. Pagpipinid

1. PAGBUBUKAS: Ang pagbubukas ay maaaring buuin ng 3-4 na saknong at ito'y bibigkasin lamang ng lakandiwa bilang pagpapakilala sa tanghalang balagtasan. Sa madaling salita, ito ay nagtataglay ng introduksyon upang simulan ang patulang debatehan ng magkabilang panig.

2. PAGPUPUGAY: Ang pagpupugay ay maaaring buuin ng 2-4 na saknong at ang magsasalita rito ay ang dalawang mambabalagtas. Ipakikilala nila ang kanilang sarili (Unang Pangalan/Palayaw at Apelyido) at ang paksa na kanilang pinapanigan, puso o isip?.

3. PAGTANGGAP: Ang pagtanggap ay maaaring buuin ng 1-2 na saknong at ang magsasalita rito ay ang lakandiwa bago magtagisan ng salitaan ang dalawang mambabalagtas sa balagtasan.

4. TINDIG: Sa parte ng tindig, magsasagutan na ang mga mambabalagtas ng 5 beses sa magkapantay na paraan (kapag 5 saknong ang ibinato ni mambabalagtas 1, 5 saknong rin ang isusumbat ni mambabalagtas 2). Karaniwang 38-40 na saknong ang kabuuan ng buong tindig.

5. PAGPIPINID: Sa pagpipinid, dito na magaganap ang pagpili at pag-anunsyo kung sino ang mananalo o patas nga ba ang labanan. Kung patas naman ang isinaaad, mas magandang mag-iwan ng makatarungang tanong sa mga manonood. Ang bilang ng saknong ay depende na sa inyo.

Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga inilapag na link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/1020913

https://brainly.ph/question/8781907

https://brainly.ph/question/6837922

View image CloudyClothy

Simula

Sa gitna ng dilim at liwanag ng buhay,

Magtipon tayo, mag-usap at magbahay,

Isip o Puso, alin ang dapat mauna,

Sa paglalakbay ng buhay, sino ang magwawagi kaya?

Pagpupugay

Mga kaibigan, ako'y nagpupugay,

Sa inyong lahat na narito't nagbigay,

Ng oras at puso't isipan,

Upang talakayin ito, para malinawan.

Gamit ng Isip:

Sa bawat hakbang, isip ang laging una,

Kilos at galaw, palaging may patnubay siya.

Puso'y magulo, madalas padalos-dalos,

Ngunit Isip, laging may maayos na layunin.

Gamit ng Puso:

Puso ang una sa bawat desisyon,

Pag-ibig at damdamin, tunay na repleksyon.

Isip minsan, malamig at walang damdamin,

Ngunit Puso, laging may malambing na puso.

Gamit ng Isip:

Sa bawat problema, isip ang naglulutas,

Puso'y may damdamin, ngunit hindi wagas.

Isip ang daan sa tagumpay at ginhawa,

Ito ang susi sa kinabukasan, walang sawa.

Gamit ng Puso:

Puso ang nagbibigay ng tunay na halaga,

Pagmamahal at saya, tunay na tala.

Isip ay maganda, ngunit minsan malamig,

Puso ang nagdadala ng init at pag-ibig

Tagapamagitan:

Sa pagtatapos ng ating balagtasan,

Isip at Puso, sino ang magwawagi?

Ang totoo, pareho silang mahalaga,

Sa buhay, kailangan ng pagkakaisa.

Lahat:

Mga kaibigan, isipin at damdamin,

Dapat magtulungan, para sa atin.

Isip at Puso, magkasamang maglakbay,

Sa bawat yugto ng buhay, sila'y sabay.