Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Ang kahulugan ng unemployment ay ang sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho ngunit naghahanap ng maaaring maging trabaho. Ang konsepto ng unemployment ay tumutukoy rin sa sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho kahit na sila ay may pinag-aralan at sila ay pasok naman sa kinakailangang mga kwalipikasyon.
Kahulugan ng Unemployment
- Ang unemployment ay ang sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho kahit na sila ay nagtapos ng pag-aaral at pasok sa mga kailangang kwalipikasyon.
- Ang bahagi ng lakas paggawang ito ay walang trabaho ngunit naghahanap ng maaaring maging trabaho.
Mga Uri ng Unemployment
Ang unemployment ay may iba't ibang mga uri. Narito ang mga ito:
- Frictional - kapag ang tao ay naghahanap o naghihintay ng bagong trabaho
- Voluntary - kapag ang kagustuhan talaga ng tao na hindi magtrabaho
- Seasonal - kapag ang trabaho ay partikular lamang sa iilang panahon o okasyon (halimbawa: tuwing Pasko)
- Kaswal - kapag ang trabaho ay tuwing sa iilang araw o linggo lamang
- Structural - kapag ang trabaho ay nawala dahil sa mga pagbabago sa teknolohiya o sa panlasa ng mga mamimili
- Cyclical - kapag ang trabaho ay base sa business cycle; kapag mahina ang negosyo o industriya, mas malaki ang bahagi ng lakas paggawa ang makakaranas ng unemployment
Iyan ang kahulugan ng unemployment. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
- Iba pang kahulugan ng unemployment: https://brainly.ph/question/584197
- Ano-ano ang pagkakaiba ng employment, unemployment at underemployment: https://brainly.ph/question/74275
- Ano ang unemployment rate? https://brainly.ph/question/174730
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.