IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Eupemistikong Pahayag
Ang eupemistikong pahayag kung tawagin sa Ingles ay euphemism na ang ibig sabihin ay mga salita na badyang pampalubag loob o pampalumay upang ito ay hindi masamang pakinggan o basahin. Kadalasan ito ay ipinapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o malaswang mga salita.
Ang mga salitang ito ay ginagamit rin upang mapagaan at hindi makasakit ng damdamin ng taong kausap o nakikinig sa realidad ng buhay natin. Ginagamit ito upang hindi lubos na masaktan ang isang tao.
Sampung (10) Halimbawa Ng Eupemistikong Pahayag
- Namatay – binawian ng buhay
- Hinimatay - nawalan ng malay ang isang tao
- Hikahos sa Buhay - mahirap
- Magulang - maraya
- Lumulusog - tumataba
- Balingkinitan - payat
- Tinatawag ng Kalikasan - nadudumi
- Sumakabilang Bahay - kabit
- Kasambahay - katulong
- Mapili - maarte o pihikan
Iba pang Halimbawa Ng Eupemistikong Pahayag
- Malikot ang isip- masyadong maraming imahinasyon
- May amoy - mabuhay
- Ibaon sa hukay - kalimutan na
- Balat sibuyas -pikon, sensitibo, madaling mapaiyak
- Butas ang bulsa - wala ng Pera
- Halang ang bituka - masamang tao
- Mabilis/makati ang kamay - magnanakaw
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Iba pang Halimbawa ng Eupemismong Pahayag: brainly.ph/question/367940
#BetterWithBrainly
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.