IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Ano ang mga pagbabago na kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon?

Sagot :

Ang mga pagbabago na kinakaharap ng Pamilya kasabay ng modernisasyon

  1. Pagbabago sa pakikitungo sa pamilya, kung datirati ay sabay sabay na kumakain ang buong pamilya sa hapag kainan,at pagkatapos ng kainan ay masayang mag kukwentohan sa salas,ngayon ay hindi na dahil abala ang iba sa paghawak ng mga gadget may nag facebook,nanood ng mga ibat ibang palabas sa YouTube,at ang iba naman ay nag games sa kanilang mga gadget ang pinagkakabalahan,dati rati ay sobrang pribado ng mga nangyayari sa ating buhay at tangin pamilya lamang natin ang nakakaalam sa kung ano mang mga problema at masasayang araw ang nangyayari sa ating buhay,ngayon ganun nalang natin kadali ipahayag ang ating mga nararamdaman at halos buong mundo ang nakakaalam.nakakalimutan natin na may pamilya tayong dapat isaalang alang at baka sila ay masaktan sa mga bagay na nangyayari,pamilya na kaylangan kausapin ng personal para hingan ng payo.
  2. Pagbabago sa pag uugali lalong lalo na ang mga kabataang meyembro ng pamilya, ang pagiging pabaya ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral dahil nalilibang sila sa kanilang mga gadget,ang kawalan ng galang ng ilang mga kabataan sa pagsagot sa mga nakatatanda sa kanila,sapagkat natitingala nila o ginagaya ang kanilang mga nakikita at napapanood sa mga online games na kanilang nilalaro.
  3. Pagiging tamad ng mga bata, Napakahirap ng utusan ang mga kabataan ngayon kahit sa mga simpleng gawain sa tahanan ay kanila ng kinakatamaran,dahil sa pagkalibang o pagkahumaling sa mga online games at mga panoorin sa mga online.

Ilan lamang iyan sa kinakaharap ng Pamilya kasabay ng modernisasyon. Oo nga at sa pagdating ng modernisasyon ay mas napadali ang ating mga gawain,madaming pakinabang na nagpaunlad sa ating ekonomiya.Ngunit hindi rin natin maiiwasan ang masamang dulot nito. Kaya dapat tayong gumawa ng paraan kung paanong sa pag sulpot ng modernisasyon ay huwag masira ang isang pamilya,lalong lalo na ang kinabukasan ng mga kabataan gabayan sila ng maayos,ipaliwanag sa kanila ang teknolohiya ay ginawa upang mapaunlad ang ating lipunan at hindi para ito ay masira, ipamulat sa kanila na ang lahat ng sobra ay masama.

Buksan para sa karagdagang kaalaman tungkol sa modernisasyon

https://brainly.ph/question/1044571

https://brainly.ph/question/516837

https://brainly.ph/question/166247