IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Musika...Musika...Musika….. Mary Dimple S. Dolatoa Ang Suio, Mataas na Paaralang Torres Nobyembre, 2002 Musika...musika...musika... isang himig na napakasarap sa pandinig. Alam ba ninyo na bukod sa nagpapagaan ito ng ating damdamin ay may malaking naiaambag din sa larangan ng medisina? Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang kapangyarihan ng musika ay kayang magpaalis ng stress sa isang tao. Dahil sa pamamagitan nito naipapahinga ng indibidwal ang kanyang katawan at maging ang pag-iisip kaya naman ito ay nakababawas sa kanyang mga alalahanin. Ayon sa propesor na si Richard Fratianne, ang musika ay nakababawas din sa sakit at kirot na nararamdaman ng isang pasyente matapos ang isang operasyon. Nakatutulong din ito na mapabilis ang paggaling ng taong maysakit. Kaugnay nito, ang mga manggagamot noong unang panahon ay gumagamit ng musika upang gamutin ang ilang problema sa puso, maialis ang depresyon at maging ang insomia o hindi pagkatulog ay nagagamot din nito. Samantala, naniniwala naman ang mga babaeng nagdadalang-tao na ang sanggol ay dapat na pinakikinig ng musika habang nasa sinapupunan pa lamang upang ito ay lumaking aktibo at matalino. Mas makabubuti sa mga sanggol kung inyong iparirinig ay musikang instrumental tulad ng mga likha nila Mozart at Beethoven. Sa kasalukuyan, may mga katibayang nagpapatunay na ang musika rin ay tumutulong sa pagpapagana ng ilang bahagi ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba pa. Sadyang makapangyarihan ang musika hindi lamang sa puso kundi maging sa pag-iisip ng isang tao. O, kayo, buksan na ang inyong mga radyo upang mapatunayan ang tunay na galing ng musika!
pangunahing kaisipan 2 pantulung ng kaisipan
Sagot :
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.