Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
1. Perpektibo (Naganap na o Pangnagdaan)
Ang kilos o galaw ay nagawa na, tapos na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Perpektibo
Inayos ko na ang mga gamit na dadalahin ko para bukas.
Tapos na akong kumain.
Nagpunta ako sa simbahan.
Natapon ang tubig sa lamesa.
Tumakbo ako ng mabilis.
2. Imperpektibo (Nagaganap o Pangkasalukuyan)
Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Imperpektibo
Ang sanggol ay natutulog.
Natutunaw ang sorbetes na kinakain mo.
Nag-aaral ako ng mabuti.
Umiiyak ang bata sa lansangan.
Bilisan mo’t umuulan na!
3. Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)
Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.
Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Kontemplatibo
Matutulog ako ng maaga mamayang gabi.
Bukas ay magpupunta kami sa parke ng aking mga kaibigan.
Sa aking kaarawan ay magluluto si Nanay ng spaghetti at pansit.
Maglalaba ako mamaya pag-uwi ko galing sa eskwelahan.
Maliligo kami sa ilog.
4. Perpektibong Katatapos (Kagaganap)
Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang ugat.
Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Perpektibong Katatapos
Katatapos ko lamang kumain.
Kagagaling ko lang sa paaralan.
Katutula lang ni Binibining Reyes.
Kasusulat ko lang kay Presidente Duterte ng ating mga hinaing.
Kabibili ko lang ng baka sa palengke.
Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa o simuno ng pangungusap. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
May pitong pokus ang pandiwa: ang Aktor-pokus, Pokus sa layon, Lokatibong pokus, Benepaktibong pokus, Instrumentong pokus, Kosatibong pokus, at Pokus sa direksyon
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.