Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

ibig sabihin ng basang sisiw, kapit sa patalim at hugus kandila

Sagot :

Ang idyoma ay mga pananalita na di- tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Upang maunawaan ang isang idyoma, kailangan ay tingnan ang kabuuuan ng sinasabi. Ang kahulugan nito ay galing sa karanasan ng tao. Maaari itong pangyayari sa buhay o mga bagay- bagay sa ating paligid. Ang  idyoma ay nagpapakita ng yaman ng isang wika.

Halimbawa ng Idyoma

Ito ang ilang halimbawa ng idyoma at kahulugan nito:

  1. Basang sisiw- buhay na mahirap at kaawa awa
  2. Kapit sa patalim- gumagawa ng masama upang makaraos sa buhay
  3. Hugis kandila- daliring maganda ang hugis at makinis.

Pangungusap na may Idyoma

Ang mga sumusunod na pangungusap ay ginagamitan ng idyoma:

  • Natanggal sa trabaho ang aking ama kaya naging para kaming basang sisiw.
  • Kapit sa patalim ang pamumuhay ngayong pandemya.
  • Humanga ako sa hugis kandila niyang mga daliri.

Karagdagang kaalaman:

Halimbawa ng idyoma: https://brainly.ph/question/352982

#LearnWithBrainly