Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

PAGTATAYA BLG. 2 1. May tone-toneladang basura ang naiipon sa bawat barangay araw-araw. Ang mga basurang ito ay nagmumula sa bahay, paaralan, pabrika at maging sa mga pampublikong lugar. Paano matutugunan ang isyu ng polusyon sa hindi tamang pagtatapon ng basura? A. huwag pakialaman sapagkat may kanya-kanyang basura sa tirahan B. huwag bumili nang bumili upang hindi magkaroon o dumami ang mga basura C. idikit ang mga poster upang magkaroon ng kaalaman ang mga taong tapon ng tapon ng basura D. simulan ang pagtatapon ng kahit pinakamaliit na kalat sa tamang basurahan 2. Ang Republic Act 9003 ay batas na ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba't ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Sa ilalim nito higit na mapapangalagaan ang kalikasan dahil sa tamang pagproseso sa mga basura sa bansa. Paano makatutulong ang mamamayan upang mabawasan ang problema sa basura? A. Iwasan ang paggamit ng plastic at magdala ng eco bag sa pamimili. B. Maghukay ng compost pit sa bakuran at doon itapon ang mga basura. Ugaliin ang paghihiwalay ng basura at matutong magrecycle ng mga ito. D. Itapon ang basura sa basurahan at panatilihin ang kalinisan ng pamayanan. C. 3. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste Management Report ng 2015, biodegradables ang uri ng basura na may pinakamalaking porsyento na itinatapon sa bansa. Ito ay ang mga basurang nabubulok kagaya ng balat ng prutas, papel, karton at iba pa. Bakit ito ang may pinakamalaking porsyento ng itinatapon na bansa? Maraming establisyemento ang hindi marunong maghiwalay ng mga basura. A. B. Marami sa mga Pilipino ang walang bakuran na maaaring tapunan ng mga basurang nabubulok. C. Ang mga biodegradables ay hindi agad natutunaw kaya dumadami ito ng dumadami sa mga dumpsites. D. Ang mga lokal na pamahalaan ay kulang sa mga proyektong magsusulong ng tamang pagtatapon ng basura. 4. Ang problema sa ating kapaligiran ay isang malaking isyu na kinahaharap sa ating bansa. Ang matinding polusyon sa lupa, hangin at tubig na nagdudulot ng matinding pagbaha, matinding tagtuyot at pagguho ng lupa ay ilan lamang sa nararanasan sa ating bansa. Paano nakaaapekto ang nabanggit na suliranin? A. Mawawala ang kapayapaan at kaayusan B. Masisira ang kalakalan at kabuhayan C. Magbabago ang kultura at kabuhayan D. Mawawasak ang kalikasan at kalusugan 5. Ang Brigada Eskwela ay isinasagawa bago magsimula ang pasukan. Ang mga guro, mag-aaral, magulang at ang ibat ibang organisasyon ay nagtutulungan para maisakatapuran ang layunin nito. Bakit mahalaga ang ganitong programa? A Upang maging malinis ang paaralan B. Upang maging malinis at ligtas ang paaralan C. Upang maging sikat at makilala ang paaralan D. Upang maging makalat at madumi ang paaralan​