IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

gumawa ng tula tungkol sa sariling karanasan na may apat o limang saknong na ginagamitan ng mga iba't-ibang uri ng panghalip (panghalip panao panghalip pananong panghalip panaklaw at panghalip pamatlig)


Salamat nlng po
Extra Credits Sa May Matinong Sagot
Nonsense-Report
Incomplete-Report
Incorrect-Report​


Sagot :

Answer:

KAIBIGAN AT KARANASAN

Ako ay nakatira sa isang munting isla,

Kasama ang kaibigan, sa dagat kami ay nagsasaya.

Talon dito, langoy doon,

Hindi namin alintana ang init ng araw sa maghapon.

Ilang beses na siyang nagkaroon ng sunog sa balat,

Tinatanong ko kung kailan kami uuwi, ngunit hindi siya nagpapaawat.

Kung ano-ano na lang ang aming ginagawa minsa'y napapagabi,

Naghahanap ng lamang dagat tulad ng sea urchin at kabibi.

Kailanman ay hindi nila kami mapaghihiwalay,

Gaanuman karami ang aming pinagdadaanan sa buhay.

Bawat kasiyahan at kalungkutan, andiyan ang aking kaibigan.

Anuman ang di pagkakaintindihan ay aming pinag-uusapan.

Ito ang aking karanasan,

Naging masaya simula ng magkaroon ng kaibigan.

Doon sa dagat ang aming tagpuan,

Umaraw man o umulan.