Makakuha ng eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Ano ang kahulugan ng hulapi?

Sagot :

Answer:

Kahulugan ng Hulapi  

Ang hulapi ay isang uri ng panlapi na matatagpuan sa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.  

Halimbawa:  

  • kaligayahan  
  • talaan
  • batuhan
  • sayawan
  • awitan
  • sulatan
  • aralin
  • palitan  
  • basahin  
  • pinagsabihan  
  • sabihin
  • punahin
  • habulin
  • takbuhin

Panlapi

Ang panlapi ay mga salitang idinudugtong sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.  

Iba pang Uri ng Panlapi  

1. Unlapi

Ang unlapi ay matatagpuan at idinudugtong sa unahan ng salitang-ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala-, at iba pa.  

Halimbawa:

  • magtanim  
  • magsaka
  • mahusay  
  • nagbasa
  • nagsayaw
  • palaaway
  • palabati
  • pagkabigat  
  • makatao  
  • nahulog  
  • palabiro  

2. Gitlapi

Ang gitlapi ay ginagamit sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-  

Halimbawa:  

  • pinasok  
  • pinalitan  
  • tinalon
  • lumakad
  • pumunta
  • gumagamit  
  • tumakbo  
  • umayaw  
  • binasa
  • sumamba
  • sumimba
  • sinagot

Salitang-Ugat

Ang salitang-ugat ay isang salita na walang dagdag, samakatuwid, ito ay salitang buo ang kilos.  

Halimbawa:

  • amoy
  • alis
  • sulit
  • hango
  • tango
  • takbo  
  • bango  
  • luto  
  • sayaw  
  • awit  
  • bigat  
  • bilis  
  • bitin
  • suot  
  • tinig  
  • himig  
  • hayag  
  • lakad  
  • talon  
  • kaway  
  • bihis  
  • palit  
  • damot  
  • tulog  
  • gising  
  • kain  
  • hulog  
  • basa  
  • laki  
  • liit  
  • ganda  
  • bait  
  • buti  
  • taba  
  • payat  
  • bata  
  • tanda  
  • ibig  
  • sulat  
  • tula  
  • tubig  
  • apoy  
  • init  
  • lamig  
  • sagot  
  • ligo

Para sa karagdagan pang kaalaman ukol sa salitang-ugat at panlapi, magtungo sa link na:  

brainly.ph/question/213564

#LetsStudy