IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Noon, akala ko ang ekonomiks ay para lamang sa mga eksperto, sa mga negosyante, at sa mga awtoridad o kawani ng pamahalaan.
Iyon pala, ang ekonomiks ay mayroon ding kahalagahan at kahulugan sa aking buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Bilang bahagi ng lipunan, ang ekonomiks pala ang nagtatakda ng magdang buhay para sa akin. Ito ang dahilan kung bakit napag-aaral ako ng aking mga magulang.
EkonomiksIto ang dahilan kung bakit may mga serbisyo akong nakukuha mula sa pamahalaan. Ito rin pala ang dahilan kung bakit nagagawa ko ang ilan sa aking mga karapatan, katulad ng karapatan sa pag-aaral.
Bilang kasapi naman ng pamilya, ngayon ay naunawaan ko na ang aking mga magulang na nagtatrabaho, gaano man kataas o kababa ang posisyon nila sa pinapasukan, ay mahalaga silang bahagi ng ekonomiya.
Sila bilang manggagawa, ay napakalaking bahagi kung bakit maayos na dumadaloy ang ikot na daloy ng ekonomiya. Ang kanilang serbisyo ang lumilikha ng mga produkto at serbisyo na makinarya ng ekonomiya upang umandar.
Gayundin, ang kanilang buwis at mga buwis na nakukuha sa akin mula sa aking mga binibili, ay ginagamit din upang maayos na paandarin ang ekonomiya ng bansa. Kung maayos ang ekonomiya, mas maayos ang takbo ng pamumuhay ko bilang isang mamamayan ng bansang ito.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.