IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang estruktura ng diagdig ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Sa ilalim ng crust ay ang mantle, isang patong ng mga batong napakainit kung kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig ay tinatawag na core na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
Ang daigdig ay may tinatawag na mga plate o mga malaking masa ng solidong bato. Hindi nananatili ang mga plate sa posisyon nito. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang nangyayaring paggalaw ng mga plate ay napakabagal, it ay umaabot lamang 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.