IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

ikaw ay kabilang sa samahan ng mga manunulat o campus journalist sa inyong paaralan pagkakaroon ng campaign drive ang inyong paaralan ikaw ay naatasang sumulat ng jingle na mapanghikayat tungkol sa pangangalaga sa kalikasan isaalang-alang ang wastong gamit ng pangalan at panghalip sa pagtalakay ng mga pangyayari sa kapaligiran isulat ng jingle sa short bond paper.




(kapag may nakasagot duo tayo sa ml)​


Ikaw Ay Kabilang Sa Samahan Ng Mga Manunulat O Campus Journalist Sa Inyong Paaralan Pagkakaroon Ng Campaign Drive Ang Inyong Paaralan Ikaw Ay Naatasang Sumulat class=

Sagot :

Explanation:

Isang Punungkahoy

Kung tatanawin mo sa malayong pook,

Ako’y tila isang nakadipang kurus;

Sa napakatagal na pagkakaluhod,

Parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan

Ay nananalangin sa kapighatian,

Habang ang kandila ng sariling buhay

Magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,

Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;

Sa mga sanga ko ay nangakasabit

Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,

Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;

At saka ang buwang tila nagdarasal,

Ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,

Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,

Ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,

Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

Natuyo, namatay sa sariling aliw.

Naging kurus ako ng pagsuyong laing

At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,

Panakip sa aking namumutlang mukha!

Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga

Ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isiping nang nagdaang araw,

Isang kahoy akong malago’t malabay.

Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,

Dahon ko’y ginawang korona sa hukay!