IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Answer:
Ang kwentong bayan ay mga kwentong likhang isip mula sa isang kultura na kadalasan ay tungkol sa diyos at diyosa nilang sinasamba. Ang mga kwentong ito mula sa ating ninuno ay lumaganap gamit ang saling-dila.
Ang kwentong bayan ay maraming kategorya, katulad ng alamat, parabula, pabula, at mito.
Halimbawa ng kwentong bayan mula sa Luzon:
(alamat)
Alamat ng bundok Pinatubo
Ang alamat ng niyog
Alamat ng Rosas
Alamat ng Lansones
Alamat ng bundok banahaw
(mito)
Narito ang ilan sa mga diyos at diyosa mula sa mito ng mga Tagalog:
Bathala - Siya ang may gawa ng buong sanlibutan at itinuturing na hari ng lahat ng diwata, diyos, diyosa, at iba pang nilalang.
Amanikable - Sinasabing siya ay sinasamba na diyos ng mga mangangaso. Siya rin ay diyos ng karagatan, sinasabing mainitin ang ulo niya at ipinapahamak niya ang mga naglalayag sa dagat sa pamamagitan ng pagpapadala ng malalaking alon upang lunurin sila.
Idiyinale - Sa kanya nananalangin ang mga tao upang maging matagumpay ang kanilang gawain.
Mapulon - Siya ay asawa ni Ikapati. Siya rin ang diyos ng panahon.