Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang tayutay o mas kilala bilang figure of speech sa wikang Ingles ay mga salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
Ito ay sinasadyang gamitan ng mga talinghaga o di-karaniwang salita upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
halimbawa:
Ang ama ni Solomon ay leon sa bagsik.
Kaya kong sungkitin ang mga bituin mapasagot lamang kita.
May anim na mga matang nakatingin sa iyo.
Ang buhay ay parang gulong ng palad.
Para kang tala na nagniningning sa gabing madilim.
Napangiti ang langit sa iyong pagdating.
Hulog ng langit ang batang si Kendra.
Wala nang hihigit pa sa aming ilaw ng tahanan.
Ang iyong mga mata ay tila bituing maningning.
Sa Perlas ng Silangan ako isinilang.
Pagtutulad o Simili = Ito ay di tiyak o di direktang paghahalintulad ng dalawang magkaibang tao, bagay, hayop, o pangyayari. Maaring ito ay pantay o di-pantay. Ang pantay ay ginagamitan ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim- , magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ang di- pantay ay ginagamitan ng mas___kaysa, mas___kumpara kay, higit pa sa, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.