Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

MANGARAP KA, ABUTIN MO ni Lydia E. Abegonia Sa barangay Suyo ay may mag-asawang marami ang anak. Sila ay nakikisaka lamang sa mga lupain ng kanilang kamag-anak, kaya halos sapat lang ang kanilang kinikita sa araw-araw na pangangailangan. Noong nagkaedad na ng labing anim at labinlima ang panganay at pangalawa, nagpaalam sila sa ina. “Tapos na ako ng sekondarya, kinausap ako ni lola Sefa kung gusto ko rin mag-aral sa kolehiyo ay tutulungan ako pero sa kanila na titira,” paalam ni Digna. “Ako rin daw po, sabi naman ni Eden, sa bahay nina lola Maring ako titira para makapagtuloy ako sa pag-aaral hanggang makatapos,” dugtong niya. “Ganon ba mga anak? Pasensiya na kayo, tutol man ang kalooban namin, di na namin kayo pipigilan ng tatay ninyo, kasi ‘di talaga namin kaya ang magpaaral sa kolehiyo,” parang nahihiyang sabi ni aling Lina. “Huwag po kayong mag-alala nanay, tatay, pagbubutihin namin ang pag-aaral hanggang sa makapagtrabaho para makatulong din kami sa aming mga kapatid at sa inyo,” pangako ni Digna na sinang-ayunan din ni naman Eden. Pagkalipas ng limang taon, natupad ang pangarap ng magkapatid, hindi na sila pinauwi sa kanilang pamilya subalit, hinayaan silang paminsan-minsan ay dumalaw at magbigay ng bahagi ng kanilang sahod para sa kanilang mga magulang. ‘Di nagtagal, naipaayos ang kanilang bahay. Pinag-alaga rin nila ng mga hayop ang kanilang magulang, gaya ng baka, baboy at manok, bilang karagdagang pagkakakitaan. Naparami nila ang mga alagang hayop at hindi na nahirapang magpaaral sa ibang pang mga anak. Halos taon-taon ay magkakasunod nang nakatapos ang mga anak at nang lumaon ay ganap na silang masaya at umunlad ang buhay. Ang iba ay nagkaroon na rin ng kani-kaniyang pamilya

1. Ano-anong mga salita ang di-pamilyar sa binasa?
2. Sino-sino ang mga tauhan? Ilarawan ang bawat isa.
3. Sino sa tingin mo ang labis na natuwa sa narating ng mga magkakapatid? 4. Anong katangian meron ang mga tumulong sa pag-aaral nina Digna at Eden?
5. Lagyan ng salungguhit ang mga pangngalang ginamit sa akda. Samantala, bilugan ang mga panghalip. Paano ginamit ang mga pangngalan at panghalip sa binasa? ​


Sagot :

Answer:

1. Wala Po

2. nanay- mahiyain

Lola sefa- mabait/ matulungin

digna - masipag mag aral

eden- masipag mag aral

3. nanay at tatay

4.matulungin

5.pangnglan-nanay,tatay,Lola sefa-,Eden,digna

panghalip-sila,kanilang

Explanation:

oy teacher ko SI mam Lydia abegonia btw hula ko lng yan sorry sa panghalip yan lng alam ko