Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

kasipagan ang puhunan

si Francis ay isang anak mahirap na nakapag asawa ng maaga. Mayroon siyang tatlong anak. Upang mairaos ang buhay, siya'y nagtitinda ng diyaryo sa araw at nag-aaral sa gabi.

Sa paglipas ng taon dumarami ang mga bumibili sa kaniya ng diyaryo at dumadami na rin ang kaniyang suki. Nakabili siya ng sasakyan na ginagamit niya ngayon sa pagrarasyon ng mga diyaryo. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, umunad ang kanilang kabuhayan at nakapagtapos rin siya ng pag-aaral. Nakapagpatayo siya ng sariling bahay at napagtapos pa sa pag-aaral ang tatlong anak. Kilalang-kilala at iginagalang siya ng buong bayang.

Sa kasalukuyan, siya ang alkade ng kanilang bayan.

1.Tungkol kanino ang binasa?

2.Ano ang kalagayan ng buhay ni francis at ng kanyang pamilya?

3.Ano ang hanap-buhay ni francis?

4.Paano umunlad ang buhay ni francis?

5.Bakit umunlad ang buhay ni francis?

6.Dapat bang tularan natin si francis? Bakit?

7.Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sipag at tiyaga sa trabaho?

8.Hadlang ba sa pag-unlad ang kahirapan? Bakit?

9.bakit mahalagang makapagtapos ng pag-aaral?

10.Paano mo tutularan ang magandang katangian ni francis?​


Sagot :

Explanation:

1.Tungkol kanino ang binasa?kay Francis

2.Ano ang kalagayan ng buhay ni francis at ng kanyang pamilya? mahirap ang kanilang buhay

3.Ano ang hanap-buhay ni francis? nagtitinda ng dyaryo

4.Paano umunlad ang buhay ni francis? siya ay isang masipag at matiyaga sa pagtitinda kaya dumami ang bumibili sa kanya at naging suki.

5.Bakit umunlad ang buhay ni francis?dahil siya ay masipag at matiyaga

6.Dapat bang tularan natin si francis?oo Bakit?dahil kung tayo ay magiging masipag at matiyaga kagaya ni francis ay magiging maunlad ang ating buhay

7.Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sipag at tiyaga sa trabaho?dahil ito ay mahalaga upang tayu ay makaahon sa hirap ng buhay tulad ng buhay nina francis na mula sa hirap Sila ay nakaahon dahil sa sipag at tiyaga