Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel at punan ito ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tukuyin ang tagpuan, tauhan,at halagahang pangkatauhan.​


Kopyahin Ang Kasunod Na Graphic Organizer Sa Iyong Papel At Punan Ito Ng Mga Pangyayari Mula Sa Binasang Kuwento Ayon Sa Pagkakasunodsunod Nito Tukuyin Ang Tagp class=

Sagot :

ANG AMA

Maikiling kwento mula sa Singapore

TAGPUAN: Bahay o komunidad

MGA TAUHAN

  1. Ama: sa mga mata ng mga bata siya ang kanilang ama na madalas umuwi ng lasing at minsan ay nag-uuwi ng pagkain.
  2. Mui-mui: Ang batang hikain na kinaiinisan ng ama pag humaling ng hininga.
  3. Ina: Ang asawa ng ama at anak ng anim na mga bata.
  4. Panganay na anak na babae
  5. Panganay na anak na lalaki.
  6. Kambal
  7. Otso anyos na anak

MGA PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

  1. Hinihintay ng mga paslit ang kanilang ama na umuwi. Ngunit sila ay natatakot na baka lasing lang uuwi ang ama at bugbugin sila o ang ina.
  2. Minsan ay nag-uuwi ng makakain ang ama kahit kakarampot lang o tira-tira. May minsan na pinagsaluhan nila ang pansit ngunit hindi na muling naulit ito.
  3. Si Mui-mui ay isang batang sakitin at mahina ang katawan. Meron siyang hika (kung ang nakakabasa ay matanda na, ito ay hika). At naiinis ang ama kapag naririnig ang haling nito na parang pusa.
  4. Isang gabi ay galit na galit ang ama ng umuwi dahil nasisante sa trabaho. Lasing ito at kasabay nito, si Mui-mui ay hindi makahinga. Pinapatahan ng mga kapatid si Mui-mui ngunit naabutan sya nga ama.
  5. Sinampal ng ama ang kawawang bata hanggang sa hindi na ito gumagalaw.
  6. Namatay na nga ang anak at ang ama ay sobra ang pagsisisi.
  7. Binigyan ng pera ng amo at pinabalik sa trabaho dahil sa awa. Hindi na ito muling bumili ng alak at ibinili na lang ng pagkain ang mga bata.

Halagahang pangkatauhan

Laging nasa huli ang pagsisisi

  • Ang panghihinayang ay nagpapaalala sa atin na pag-isipang mabuti ang ating mga desisyon at tinutulungan tayong hindi na muling magkamali. Ang pagsisisi ay kung paano natin natutunan ang tungkol sa ating sarili, at alam kung ano talaga ang gusto natin. Sa pakiramdam ng panghihinayang, mayroon tayong kalinawan tungkol sa kung ano ang kahihinatnan at mga bagay na talagang gusto natin para sa ating sarili.

#SPJ1

Basehan ng kwentong ANG AMA

https://brainly.ph/question/19688807