Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

FLOWER CHART! Pumili ng isang bansang nais bigyang pansin. Suriin ang kalagayang heograpikal ng napiling bansa katulad ng mga halimbawang naaayon sa limang tema n heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot ng gawain. ​

FLOWER CHART Pumili Ng Isang Bansang Nais Bigyang Pansin Suriin Ang Kalagayang Heograpikal Ng Napiling Bansa Katulad Ng Mga Halimbawang Naaayon Sa Limang Tema N class=

Sagot :

BANSA: Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang bansa na mayaman sa mga likas na yaman. Ang mga natural na yamang ito ang bumubuhay sa mga taong naninirahan sa bansang ito. Ito rin ay binubuo ng may mahigit na pitong libong mga pulo. Ito naman ay nahahati sa tatlong heograpikal na bahagi simula sa hilagang bahagi hanggang sa timog na bahagi: ito ay ang Luzon, Visayas at Mindanao.

LUGAR: Ito ay pinapaligiran ng mayayaman at malalaking bansa katulad ng China, Taiwan at Brunei.

LOKASYON: Ito ay nasa kaliwang bahagi ng Pacific Ocean.

REHIYON: Ito ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog-Silangang Asya. Ang Timog-Silangang Asya ay mayaman sa mga yamang-lupa katulad ng mga bundok, burol, at kapatagan. Mayaman din ito sa yamang-tubig katulad ng mga dagat, ilog, batis, at karagatan. Mayaman din sila sa mga kultura at tradisyon na ipinasa sa kanila ng kanilang mga ninuno at kanilang nilinang at patuloy na nililinang sa paglipas ng panahon.

PAGGALAW: Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mababang ekonomiya. Bukod sa nagtataasan na ang mga bilihin dito, nagtataasan na rin ang mga bilang ng mga taong walang trabaho dahil sa mataas na pamantayan na kailangan sa trabaho.

INTERAKSYON NG TAO AT NG KAPALIGIRAN: Ang mga tao sa Pilipinas ay kilala bilang mga masiyahing tao at mga taong maiinit na tumatanggap ng mga bisita. Sila rin ay mga taong matulungin at may mabuting kalooban. Ang kapaligiran naman ng Pilipinas ay maaari nating uriin ayon sa dalawang klase ng lugar: probinsya at lungsod. Sa lungsod ay maraming sasakyan at maraming establisyimento. Marami ring taong nakatira rito at maraming rin namang taong nagtatrabaho dito. Sa probinsya mo naman malalasap ang sariwang hangin sapagkat maraming puno at halaman dito. Ang mga tao dito ay may mga simpleng pamumuhay lamang. Kakaunti ang trabahong mayroon sa probinsya.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/128293

brainly.ph/question/24991823

#SPJ1

View image Ravishingbear5