Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Answer:
Tunay ngang napakahalaga ng asignaturang Filipino, akala ko noong una’y ang Filipino’y para lamang sa mga di pangakademikong papel at para lamang sa pakikipagkomunikasyon sa ating bansa ngunit ngayo’y napagtanto ko na may potensyal din ang wikang Filipino sa mga pangakademikong papel. Sa loob ng isang buong semestre, madami akong natutunan, Isa na dito ang paggawa ng mga pangakademikong papel tulad ng abstrak, sintesis, bionote, atbp. Hindi lamang ako natututo ng mga tungkol sa akademikong papel dahil nakaranas din akong gumawa ng tatlo sa mga ito at dito ko natutunan maging teknikal sa aking mga sinasabi sapagkat dapat may katotohanan ang iyong mga sinasabi upang ika’y makahikayat ng mga mambabasa. Nais kong magpasalamat sa aming guro sapagkat kahit napakaikli ng aming pagsasama ay naging higit na makabuluhan ang aming diskusyon.
Explanation: