Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

5. Isa sa mga problemang kinakaharap ng bawat bansa sa Asya ay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng populasyon, ano ang maaring maging solusyon sa nasabing suliranin ?
*
1 point
A. Pagsasagawa ng mga programa at mga hakbang sa pagkontrol ng populasyon.
B. Hikayatin ang mga mamamayan na maging aktibo sa mga programa ng pamahalaan.
C. Pag-ibayuhin ang pagbibigay ng programa at kaalaman sa mga mamamayan ukol sa epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon.
D. Huwag na lamang aksyunan ang suliraning ito.
6. Nakatutulong sa mga Asyano ang napakarami nitong likas na yaman tulad ng yamang tubig, yamang lupa, yamang mineral at yamang gubat . Mas higit nitong matutugunan at mapauunlad ang antas ng pamumuhay ng mga tao kung _____.
*
1 point
A. Hahayaan ng mga mamamayan ang pamahalaan sa mga usapin sa likas na yaman
B. Ang likas na yaman ay gagamitin sa responsableng paraan upang matugunan ang pangangailangan ng tao.
C. Upang higit na makinabang ang mga tao, kailangang i-export ang ating mga produkto sa ibang bansa.
D. Huwag ng linangin ang likas na yaman upang hindi mabawasan
7. Sa kasalukuyan, ang mga isyung pangkalikasan na kinakaharap ng mga tao ay lubhang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Alin sa iyong palagay ang pinakamabisang tugon ng tao upang mapanatili ang balanseng ekolohiya sa ating mundo
1 point
A. Paglahok sa mga proyektong nakatutulong sa pagsagip sa lumalalang mga kondisyon sa kapaligiran.
B. Lumipat sa mga bansang “ecological friendly” tulad ng Sweden o Switzerland.
C. Magsuot ng facemask upang makaiwas sa mga usok ng pabrika at mga sasakyan.
D. Gumawa ng mini garden sa iyong likod-bahay.
8. Sa patuloy na pag-unlad ng mga bansa ay naapektuhan ang ang ating kalagayang ekolohiko. Paano maiiwasan ang suliraning dulot ng urbanisasyon sa bawat bansa sa Asya?
1 point
A. Hikayatin ang mga mamamayan na lisanin ang lungsod at manirahan sa pook rural .
B. Magtayo ng mga planta sa mga probinsya .
C. Lumikha ng mga programang pangkabuhayan at malutas suliranin sa kahirapan.
D. Panatilihin na lamang ang kasalukuyang kalagayan.
Option 5
9. Ang mga sumusunod ay kabilang sa sukatan sa pagtamo ng maayos na kaularang pantao, maliban sa _____________.
1 point
A. Kaalaman batay sa antas ng kamuwangan ng nasa hustong edad o gulang.
B. Mababaw na pananaw sa mga isyung pang-ekonomiya at panlipunan
C. Mataas na antas ng literacy o kamuwangan
D. Per capita income na nagpapakita ng disenteng pamumuhay.
10. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa daigdig na maaaring makaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod na katangian ng populasyon ang HINDI makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa?
*
1 point
A. Balanseng populasyon ng bata at matanda
B. Malusog na mamamayan
C. May mataas na antas ng literacy
D. Mataas na bilang ng walang hanap buhay
11. Ang mga demograpikong katangian ng populasyon tulad ng kasarian, edad, literacy at kawalan ng trabaho ay nararapat na pag-aralan at isaalang-alang ng pamahalaan. Ano ang maaring mangyari kung ito ay hindi pinagtuunan ng pansin?
*
1 point
A. Hindi matutugunan ang mga pangunahing serbisyo na kailangan ng mga mamamayan.
B. Maaring makaapekto ito sa pag-unlad ng mga bansa.
C. Uunlad pa rin ang mga bansa dahil marami naman ang likas na yaman nito.
D. Hayaan na lamang dahil lilipas din ang mga suliraning ito.
12. Ang mabilis na urbanisasyon ng Asya ay may epekto sa kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalubhang suliranin sa kapaligiran na dulot ng urbanisasyon at nakaaapekto sa lahat ?
*
1 point
A. Polusyon sa hangin at tubig
B. Suliranin sa solid waste
C. Pagkasira ng kagubatan at kabundukan
D. Pagkasira ng biodiversity.
13. Ang mga likas na yaman ay may limitasyon at hangganan lamang ang bilang . Paano ka makatutulong sa pag-iingat at pagpapanatili ng kalikasan upang mapakinabangan pa ito ng susunod na henerasyon?
*
1 point
A. Pagsasawalang bahala na lamang dahil marami na ang mga environmental activist
B. Pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan para sa mabuting adhikain sa kapaligiran
C. Isusumbong ko ang mga illegal loggers at illegal upang kumita
D. Hindi ako makikialam .
14. Anong rehiyon ng Asya ang mayaman sa mga mapagkukunan ng yamang mineral at langis na lubhang nakatulong sa kanilang pag-unlad?
*
1 point
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog Asya
15. Ang katangiang pisikal ng lugar kung saan naninirahan ang mga sinaunang Asyano ang humubog sa kanilang pamumuhay. Ano ang ipinahihiwatig ng katagang ito?
1 point
A. Ang kapaligiran ay may napakalaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga mamamayan
B. Ang pamumuhay noong unang panahon ay masalimuot.
C. Ang Asya ay malaking kontinente na maraming anyong lupa at tubig.
D. Hinubog ng mga Asyano ang kanilang pammumuhay ayon sa kani kanilang paniniwala.