IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Pangungulila
Ang pangungulila ay kalungkutang nararamdaman dahil sa pagkawalay o pagkawala ng taong malapit sa iyo.
hal.
Nangungulila ako sa yakap at tinig ng aking asawang yumao.
Kahit ano ang gawin niya ay tila ba hindi naiibsan ang pangungulila niyang nararamdaman.
Ginagawa ko na lamang na abala ang aking sarili upang maibsan ang pangungulila ko sa aking pamilya sa Pilipinas.
Bilang mga tao, natural lang sa atin na makisalamuha sa ating kapwa at kalaunan ay makabumuo ng relasyon sa kanila. Kaya kung ang tao ay mahal natin at mahalaga sa atin, ay talagang mangungulila tayo kapag nawala sila.
Mga maaring gawin kapag nangungulila tayo sa mahal sa buhay na yumao na:
gumawa ng ibang bagay upang maibaling ang atensyon sa ibang bagay
tanggapin ang nararamdaman dahil natural lamang ito at hayaang ipahayag ito
makisalamuha sa ibang tao, makipagkita at makipag-usap sa mga kapamilya at kaibigan
maari ka ring gumawa ng bagay na makakapagpasaya sa iyo katulad ng meditation, pag-eehersisyo, pagsusulat, pagkanta o pagsayaw
pagtuunan ng pansin at alalahanin ang mga positibong alaala, tulad ng kulitan at mga paglalakbay ng magkasama
Explanation:
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.