Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Answer:
Ibig sabihin ng kuro kuro
Ang ibig sabihin ng kuro kuro ay hinuha o pagbibigay ideya sa posibilidad na kalalabasan ng isang pag-aaral o pangyayari.
Ang pagbibigay interpretasyon o kuro kuro ay mahalagang taglayin ng bawat indibidwal sapagkat ito ay nagpapakita ng malalim na pag-iisip tungkol sa mga nangyayari o posibilidad na mangyari sa paligid.
Mga dahilan kung bakit nagbibigay ng kuro kuro ang isang tao
Upang magbigay ng pahayag sa posibilidad na pangyayari sa isang sitwasyon o bagay
Makapag-isip ng mga hakbang batay sa mga kuro kuro na mapaunlad ang sariling pananaw.
Makapagbigay ng matalinong pahayag ukol sa kasalukuyang pananaliksik na ginagawa.
Lavunin na pagbibigay na kuro kuro
Explanation:
Pangunahing layunin nito na mapatalas ang isip ng bawat tao sapagkat sa pagbibigay ng mga impormasyon at pahayag ay nahahasa ang isip.
Tulungan ang tao na makapagbigay ng tamang ideya ukol sa isang sitwasyon.
. Gumawa ng gabay o hakbang sa pag-abot ng mga layunin sa pamamagitan ng isang matalinong kuro kuro.
Mga pangungusap gamit ang salitang kuro-kuro
Nagbigay ng kuro kuro ang mga dalubhasa tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal.
Ang kuro kuro na bumabagabag sa isip ng ina ni Luisa ay nabigyang linaw ng magbigay pahayag ang isa sa mga kapit-bahay ng mga ito.
• Lubhang nalungkot ang pamayanan sa kuro kurong sinambit ng pangulo ukol sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.
Nagsagawa ng pagpupulong ang isang grupo ng dalubhasaan sa Pilipinas upang magbigay ng kuro kuro sa kinahaharap na krisis ng mga Pilipinong mag-aaral.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.