Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Answer:
lokasyon, lugar, rehiyion, paggalaw, interaksyon ng tao sa kapaligiran
Explanation:
hope it helps.
5 Tema ng Heograpiya
1.) Lokasyon
- Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
- Sinasagot ng temang ito ang "Saan?".
- Dalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon: Lokasyong Absolute at Relatibong Lokasyon
2.) Lugar
- Ito ay tumutukoy sa mga natatanging katangian ng isang pook.
- Dalawang paraan ng paglalarawan ng lugar: Katangiang pisikal at Katangiang pantao
- Sinasagot ng temang ito ang "Ano ang mayroon dito?".
3.) Rehiyon
- Ito ay tumutukoy sa mga bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal, kultural, at politikal.
- Sinasagot ng temang ito ang tanong na "Ano ang pagkakatulad ng mga lugar?".
4.) Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
- Ito ay tumutukoy sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa kaniyang paligid sa pamamagitan ng pakikiayon at pagbabago ng tao base sa kaniyang paligid.
- Sinasagot ng temang ito ang tanong na "Anong uri ng pamumuhay mayroon sa isang lugar?".
5.) Paggalaw
- Ito ay tumutukoy sa paglipat ng tao, likas na pangyayari, ideya, mga sakit, at produkto sa iba't ibang lugar.
- Sinasagot nito ang tanong na "Paano nauugnay ang mga lugar sa isa't isa at sa mundo?".
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.