Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Mag bigay ng 3 na salawikain ​

Sagot :

Answer:

1. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.

Ang mga ginagawa ng bata, mabuti man o masama, kadalasan ay nadadala nila sa kanilang pagtanda kung kaya’t bata pa lamang, dapat ay iwasto na ang dapat iwasto.

2. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.

Ano mang gawing tago sa katotohanan, lilitaw at lilitaw pa rin ito.

3. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.

Hindi nananalo ang mga umaayaw. Kung gusto mong manalo o magtagumpay, dapat patuloy lang sa buhay hanggang sa makamit ang inaasam.

Answer:

1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao, pawang mga kabutihan lang mangyayari.

2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.

3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi