IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Salawikain Tungkol sa Buhay
Ako ang nagbayo. Ako ang nagsaing.
Saka ng maluto’y iba ang kumain.
Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,
tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.
Ang bayaning nasugatan,
nag-iibayo ang tapang.
Ang liksi at tapang, kalasag ng buhay.
Ang buhay ay parang gulong;
minsang nasa ibabaw,
minsang nasa ilalim.
Ang akala’y nakamura, namahalan pala.
Ang hindi napagod magtipon,
walang hinayang magtapon.
Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.
Ang lumalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.
Explanation:
Pa brainliest po
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.