Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

bakit inportante Ang wika​

Sagot :

Answer

Kasi Ang wika isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit ng tao araw-araw. Ito ay lipon ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas para mabahagi natin ang ating damdamin, mga naisip, at ideya. Bawat bansa ay may kanya-kanyang wika at sa Pilipinas, ang walong pangunahing wika ng mga Pilipino ay Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray at ang pambansang wika ay Filipino.

Ito rin ay nagsisilbing salamin ng kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga ng isang bansa. Kalaunan, naging paksa na rin ang wika ng pag-aaral. Ang wika ay mahalaga sa maraming aspeto tulad ng edukasyon, pamahalaan, media, at pang-araw-araw na buhay. Dahil dito, ang ating kultura ay napapanatili, napapayabong, at napapalaganap.

Answer:

Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat ito ang nagsisilbing kaluluwa ng kanilang kultura. Ang wika ang nagsisilbing daluyan ng kaunawaan ng bawat taong naninirahan sa isang pamayanan at siyang ugat ng pagkakaisa ng mga ito.

Explanation:

Kung walang wika, hindi tayo makakapag0usap, magkaka-intindihan, at walang magagamit na pantawag sa ating mga tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin, at sa iba pang bagay na bahagi ng ating pamumuhay at kultura.