Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

30. Bilang isang mag-aaral na nasa ika-9 na baitang, kayo ay mulat na sa
nagaganap sa inyong paligid. Ano ang maaari nyong gawin upang
makatulong sa pagpapalago ng pamumuhunan sa bansa na magagamit
sa pagpapaunlad ng ekonomiya?
A. Magtipid sa paggasta ng allowance at ibigay ito muli sa magulang.
B. Manghiram ng salapi mula sa bangko at magtayo ng maliit na
negosyo.
C. Ipunin sa bangko ang mga nalalabing salapi mula sa kanyang
allowance.
D. Itago sa alkansya ang mga nalalabing salapi mula sa kanyang
allowance


31. Ang kaunlarang pangkabuhayan ang minimithi ng anumang bansa sa
daigdig. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
konsepto ng kaunlaran?
A. Ang mataas na Gross National Product at Gross Domestic Product ay
nagpapakita ng kaunlarang pagkabuhayan
B. Ang mataas na per capita income ng mga mamamayan at malayang
kalakalan sa loob ng bansa ay nagpapahiwatig ng kaunlarang
pangkabuhayan
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay nagdudulot ng pagtaas ng
kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
D. Ang mataas na remittances ng mga OFWs ang nagpapaunlad ng
ating ekonomiya

32. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng mga manggagawa sa
makabagong teknolohiya ang magiging daan sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa. Kung ikaw ay opisyal ng pamahalaan, alin sa mga sumusunod
ang bibigyan mo ng prayoridad upang magkaroon ng katuparan ito?
A. Siguraduhing ligtas ang kapaligiran sa paggawa
B. Bigyan ng sapat na kaalaman sa paggamit ng bagong kagamitan sa
paggawa
C. Bigyan ng mataas na sahod ang mamggagawa
D. murang gamot at libreng pagpapagamot sa mga ospital ng
pamahalaan​