Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
aanihin."
"Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo."
"Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan."
"Kapag may isinuksok, may madudukot."
"Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit."
"Kung ano ang puno, siya rin ang bunga."
"Kung hindi uukol, hindi bubukol."
"May tenga ang lupa, may pakpak ang balita."
"Walang lihim na hindi nabubunyag."
"Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot."
Kahulugan ng mga Kasabihan:
Ang ibig sabihin ng "kung ano ang itinanim siya ang aanihin" ay kung ano ang ginawa ng isang tao sa kapwa niya iyon din ang gagawin ng ibang tao sa kanya. Kaya naman kung naging mabuti ang taong ito sa iba tiyak na magiging mabuti rin ang ibang tao sa kanya. Susuklian ng Diyos ang lahat ng kabutihan na gagawin ng tao sa kanyang kapwa.
"Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo" ay nangangahulugan na ang tulong ay dapat ipinagkakaloob sa oras ng pangangailangan at hindi kung kailan wala na ang nangangailangan nito. Kadalasan, kapag huli na ang lahat saka lamang nagkakaroon ng kagustuhan ang ibang tao na magpahatid ng tulong at kapalit nito ay nagkakaroon sila ng pagsisisi at panghihinayang.
"Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan ay hindi makararating sa paroroonan" ay nangangahulugan na ang sinuman na hindi marunong tumanaw ng utang na loob at magbigay ng pasasalamat sa mga taong nakatulong sa kanya sa maliit o malaking bagay man ay hindi kailanman magiging matagumpay sa buhay.
"Kapag may isinuksok, may madudukot" ay nangangahulugan na ang taong marunong mag impok at magtipid ay tiyak na may magagamit na salapi sa oras ng kanyang pangangailangan. Hindi na niya kakailanganin pang mangutang o manghingi ng tulong sa ibang tao.
Ang ibig sabihin ng "ang taong nagigipit sa patalim kumakapit" ay ang mga taong dumaranas ng kagipitan ay kadalasang gumagawa ng desisyon na hindi naayon sa batas ng moralidad tulad ng pagnanakaw, pandaraya, at pangungutang.
Ang ibig sabihin nh "kung ano ang puno, siya rin ang bunga" ay kung ano ang katangian ng mga magulang ay siya rin ang mga katangiang tinataglay ng mga anak. Kaya naman ang pagkakaroon ng mabubuting magulang ay walang kapantay sapagkat ito ang tutulong sa isang tao upang maging mabuti rin at tularan ang kabutihan ng kanyang mga magulang.
Ang ibig sabihin ng "kung hindi ukol ay hindi bubukol" ay anumang biyaya na nakalaan para sa isang tao ay tiyak na mapapasakanya kung ito ay kaloob ng Diyos para sa taong ito kapalit ng kanyang katapatan at kabutihan.
"May tenga ang lupa, may pakpak ang balita" ay nangangahulugan na ang lahat ng mga salitang binibigkas o lumalabas sa bibig ng isang tao ay makararating sa kaalaman ng iba sapagkat merong tiyak na nakakarinig ng mga ito at ang mga balita ay patuloy na kumakalat.
Ang ibig sabihin ng "walang lihim na hindi nabubunyag" ay walang lihim ang nananatiling lihim sapagkat minsan ang mga taong ating pinagkakatiwalaan ang siyang nagsisiwalat nito sa iba.
Ang ibig sabihin ng "habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot" ay ang pagtitiis ay bahagi ng buhay. Dapat na ang tao ay matutong magtiis habang hindi pa dumarating ang tamang pagkakataon para sa kanya. Sapagkat ang bawat isa ay may kanya kanyang oras kung kailan ang kanilang bituin ay magniningning.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/130192#readmore
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.