Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Gumawa ng sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan at tungkulin ng wika at wikang pambansa​

Sagot :

Answer:

bilang isang mag-aaral na pilipino ay maipapakita ko ang aking pagmamahal sa sariling wika at sa wikang katutubo sa pamamagitan ng madalas na paggamit rito sa halip na tumangkilik ng wikang banyaga. ang pagtangkilik ng wikang banyaga ay hindi naman masama subalit marapat na unahin ang sariling atin bago tangkilikin ang kultura at wika ng mga dayuhan. maipapakita rin ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng wastong paggamit rito at sa patuloy na pagiging pamilyar sa mga malalalim na salitang filipino. sa pamamagitan ng pagpapalawak ng iyong kaalaman sa iyong sariling wika ay ipinapakita mo na ito ay mahalaga sa iyo. ang paglikha ng sining gaya ng kanta, guhit, o anumang larangan ng sining na may kinalaman sa pagpapahalaga ng sariling wika ay nagpapahayag ng iyong pagmamahal rito. maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng pagmamalaki nito at hindi pang mamaliit. ang wika ay isa sa mga mahahalagang yaman ng bansa kaya nararapat lamang na ito ay ating mahalin at tangkilikin. maipapakita rin ang pagmamahal sa sariling wika sa pagiging manunulat o makatang pilipino. sa pagsulat ng sanaysay, tula, editoryal, at iba pang paraan ng pagsulat na ginamitan ng sariling wika ay maipapakita mo na mahal mo ang wikang filipino. isa rin sa mga paraan ng pagmamahal sa sariling wika ay ang pagtangkilik ng mga lokal na manunulat kagaya na lamang ng mga kilalang propagandistang pilipino na may malaking kontribusyon sa kilusan gaya nina jose rizal na kilala sa tawag dimasalang, laong laan at may pag asa na lumikha ng noli me tangere at el filibusterismo, marcelo h. del pilar o plaridel, mariano ponce o tikbalang o kalipulako o naning, antonio luna o taga ilog, jose dela cruz o huseng sisiw, jose ma. panganiban o jomapa, francisco balagtas na nagsulat ng florante at laura at iba pa na nagsulat ng mahahalagang akda na mayroong malaking kontribusyon sa literaturang filipino. ang pakikinig sa opm o original pilipino music na isinulat at kinanta ng mga lokal na musikero ay pagpapakita rin ng pagmamahal sa sariling wika. ang pagtangkilik sa sariling wika ay nangangahulugan rin na pag iwas sa paggamit ng mga wikang jejemon o conyo na salita na uso ngauon sa mga kabataang pilipino. maipapakita rin ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng pagdiwang ng buwan ng wika na ginagawa tuwing agosto kung saan ang mga paaralan ay nagsasagawa ng mga patimpalak na may kinalaman sa wikang pilipino gaya ng mga quiz bee ukol sa literaturang pilipino at iba pa.

Explanation:

yan lang po alam ko