IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Subukin Paunang Pagtataya Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong dating kaalaman, kakayahan at pang-unawa tungkol sa heograpiya ng Asya na kinapapalooban ng mga pisikal na katangian at likas na yaman nito. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya? A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman. D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao. pamayanan. 2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig? A. 5 B. 6 C. 7 D. 8 3. Saang rehiyon sa Asya nabibilang ang bansang Pilipinas? A. Timog Asya B. Silangang Asya C. Timog-Silangang Asya D. Hilagang Asya 4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang pinagmulan ng mga K-pop songs at Korean drama, saang bansa at rehiyon ka sa Asya nabibilang? A. India sa Timog Asya B. Thailand sa Timog-Silangang Asya C. South Korea sa Silangang Asya D. Qatar sa Kanlurang Asya 5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal, historikal at kultural na aspekto. Kung pagsasama-samahin ang mga bansa, alin ang mga bansang napapaloob sa iisang rehiyon? A. United Arab Emirates, Qatar at Iran B. North Korea, Nepal at Singapore C. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan D. China, Indonesia at Uzbekistan​