IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

ano ang kahulugan ng parabula


Sagot :

Answer:

Parabula

Akdang pampanitikan na umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay. Natagpuan sa kauna - unahang mga taon sa mundo. Nabuhay sa mayamang wika ng mga taga - Silangan. Mula sa salitang Griyego na parabole na ang ibig sabihin ay pagtutulad ng dalawang bagay. Gumagamit ng idioma na pagtutulad at metapora.

Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Realistiko ang banghay at mga tauhan ay tao. Ang parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.

Mga Halimbawa:

Ang Tusong Katiwala

Ang parabulang ito ay tungkol sa isang katiwala na inakusahang naglustay ng kayamanan ng kanyang amo. Nang matanggal kasi siya sa kanyang trabaho ay inipon niya ang mga taong may pagkakautang sa kanyang amo. Binago niya ang mga kasulatan ng pagkakautang ng mga ito. Ang pagpapanggap na pagiging matuwid sa harap ng mga tao ay hindi maikakaila sa Diyos sapagkat alam niya ang laman ng kanyang puso.

  2. Mensahe ng Butil ng Kape

Ang parabulang ito ay tungkol sa isang magsasaka at kanyang anak na lalaki na nagmamaktol dahil sa hirap at pagod ng pagsasaka. Upang ipaliwanag sa anak ang kabutihang dulot ng hirap at pagod ay gumamit siya ng tatlong palayok na may lamang karot, itlog, at isang butil ng kape. Ang mga palayok ay isinalang sa apoy. Makalipas ang ilang sandali, sinuri nila ang pagbabagong nangyari sa mga laman ng palayok matapos idarang sa apoy. Nakita ng anak na ang karot ay lumambot, ang itlog ay tumigas, samantalang ang kape ay nagkaroon ng kakaibang aroma. Ang tao ay tulad ng karot, itlog, at isang butil ng kape. Sa tuwing idadarang sa apoy o makararanas ng paghihirap ay magkakaroon ng pagbabago hindi lamang sa pisikal higit sa pag - uugali.

Explanation: