IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

10 halimbawa ng eupemistikong pahayag na may pangungusap

Sagot :

EUPEMISMO O EUPEMISTIKONG PAHAYAG  

Ang Eupemismo o Eupemistikong Pahayag ay mga salita o pahayag na badyang pampalubagloob o pampalumanay para hindi masakit o masama pakinggan o basahin. Kapalit ang mga ito sa mga salitang matatalim, masyadong bulgar, o malaswa. Halimbawa ng eupemismo tungkol pagkamatay o patay:

  1. Sumakabilang-buhay
  2. Pantay na ang mga paa
  3. Kinuha ng Diyos
  4. Yumao
  5. Pumanaw  

Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga salitang nagpapagaan sa bigat ng realidad ang mga ganitong pahayag. Nangangailangan gamitin minsan ang mga pahayag para hindi lubos na makasakit ng damdamin, makapagpalungkot, o makapagpagalit. Ginagamit din ito para alisin ang mga halay sa usaping nauugnay sa s e k s o kaya para bawasan ang rimarim sa mga malalagim na usapan, paksa gaya ng mga karahasan at mga p a t a y a n o p a g k a m a t a y. Ang ilan sa mga ito ay mga idyoma o idyomatikong ekspresyon (idiomatic expression) dahil ang mga ganitong pahayag ay nakatatago rin ng masasakit, bulgar, at mahahalay na salita.  

HALIMBAWA NG  EUPEMISTIKONG PAHAYAG

Mga halimbawa ng eupemistikong pahayag na may pangungusap:  

  1. Hikahos sa Buhay =  Mahirap
  2. Magulang = Maraya
  3. Lumulusog = Tumataba
  4. Balingkinitan = Payat
  5. Tinatawag ng Kalikasan = Nadudumi
  6. Sumakabilang Bahay = Kabit
  7. Kasambahay = Katulong
  8. Mapili = Maarte o Pihikan
  9. Malikot ang isip = Masyadong maraming imahinasyon
  10. May amoy = Mabuhay
  11. Ibaon sa Hukay = Kalimutan na
  12. Balat Sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak
  13. Butas ang Bulsa = Wala ng Pera
  14. Halang ang Bituka = Masamang Tao
  15. Mabilis/Makati ang Kamay = Magnanakaw

Hikahos sa buhay = Mahirap  

  • Mas marami ang mga hikahos sa buhay ngayon dahil sa inflation at mga proyekto ng administrasyon na lalong nagpapayaman lamang ng mga burgis at  korporasyon.”  
  • Hikahos sa buhay ang marami sa mga manggagawa dahil marami sa kanila ay hindi nababayaran nang tama, mga kontraktwal, at pinababayaan sila ng mga kapi talis tang wa lang pu so sa kanyang mga tao.”

Magulang = Maraya

  • “Masyado nang magulang ang mga kapitalistang hindi na nga ini-regular ang kanilang mga manggagawa, binubugbog pa at ipinahaharas sa mga pulisya.”

Lumulusog = Tumataba

  • “Kapag sinabi ng tita mo na tumataba ka na, ang sabihin mo na lang ay lumulusog ka dahil umaasenso ka na at wala naman kamong masamang lumusog dahil hindi naman pagkain niya ang kinakain mo."

Balingkinitan = Payat

  • “Hindi dapat maging balingkinitan para lang masabing sexy. Ang pagiging sobrang balingkinitan ay resulta rin ng hindi magandang diet.”

Tinatawag ng kalikasan = Nadudumi

  • Tinatawag na ako ng kalikasan. Wala bang c.r. dito?”
  • “Bakit ka nagmamadaling makauwi? Tinatawag ka ba ng kalikasan?”

Sumakabilang-bahay = May kabit

  • “Kahit pa sumakabilang-bahay ang ama, may tungkulin at mga obligasyon pa rin ito sa orihinal niyang pamilya.”
  • “Ang tsismis dito sa barangay ay sumakabilang-bahay na ang nanay nila, ang hindi nila alam ay kinukuha itong labandera sa halos buong compound kaya laging wala sa bahay.”

Kasambahay = Katulong

  • “Ito ang aming kasambahay, Sir. Ikukuha ko siya ng SSS, Philhealth, at Pag-IBIG.”
  • “Huwag mong nila-lang-lang ang mga kasambahay. Napakamarangal ng trabaho nila at kung wala sila, ang isang pamilyang nangangailangan nito ay mahihirapan maging maayos sa bahay at buhay.”

Mapili = Maarte o pihikan

  • Pihikan ka ba sa pagkain o busog ka na?”
  • “Hindi ako pihikan sa pagkain. Pihikan akong pumili ng kasintahan.”

Malikot ang isip = Masyadong maraming imahinasyon

  • “Ang galing ng nakaisip ng pelikulang ito. Malikot siguro ang isip ng sumulat ng kwento.”
  • “Kailangan ko ng malikot ang isip para maganda ang graphics ng website ko!”

May amoy = Mabaho

  • May amoy na ang ulam. Huwag nang kainin.”
  • “Hindi ko gusto ang sumakay ng train dahil may amoy ito lalo na sa hapon.”

Ibaon sa hukay = Kalimutan na

  • Ibaon mo sa hukay para walang makaalam.”
  • Ibinaon mo na yata sa hukay ang birthday ko.”

Balat-sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak

  • “Huwag mong asarin iyan. Balat-sibuyas iyan!”
  • “Hindi dahil balat-sibuyas siya ay hindi niyo na siya pagsasabihan. Paano siya matututo?”

Butas na ang bulsa = Wala ng pera

  • Butas na ang bulsa ko, Besh. Tama na foodtrip araw-araw.”
  • “Hindi ako sasama sa outing dahil butas na ang bulsa ko.”

Halang ang bituka = Masamang tao

  • Halang ang bituka ng ilang kapulisang humuli ng mga tambay.”
  • “Kapag halang ang bituka ng pinuno, nagiging diktadurya ang sistema dahil gusto niya sunod-sunuran ang lahat sa kanya.”

Mabilis / Makati ang kamay = Magnanakaw

  • “Ang mga pulitiko pa ang mas madalas na makakati ang kamay.”
  • Makati ang kamay ng taong iyon kaya siya nasa rehas.”

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa:

  • Ano ang ibig sabihin ng nagbibilang ng poste - brainly.ph/question/676418
  • Ano ang kahulugan ng taas noo - brainly.ph/question/383834
  • Ano ang ibig sabihin ng sawikain na Itaga sa bato - brainly.ph/question/161788
  • Halimbawa ng idyoma at mga pangungusap - brainly.ph/question/41717