Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

ano ang pinakatamang desisyon para hindi mahawaan TB ang mga mahal sa buhay​

Sagot :

Ang TB o Tuberculosis ang isang sakit sa baga na bunga ng impeksyon ng mikrobyo na kumakalat sa pamamagitan ng hangin.  Ito ay nagpapakita ng sintomas at lubhang nakakahawa.

Mga Sintomas ng TB o Tuberculosis:

  • Lagnat
  • Ubong tumatagal ng mahigit sa tatlong linggo
  • Pag-ubo na may kasamang dugo
  • Pagpapawis sa gabi
  • Palaging nakakaramdam ng pagkapagod
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Pamamayat o biglaang pagbagsak ng timbang

Ang pinakatamang desisyon para hindi mahawaan ng TB ang mga mahal sa buhay ay ang palaging pagsusuot ng facemask kapag nasa bahay lalong-lalo na kapag nakikipag-usap sa kanila o sa ibang tao.

Ilan pang impormasyon upang mapigilan ang pagkalat ng TB o Tuberculosis:

  • Palakasin ang immune system.
  • Alamin kung ang makakasalimuha ay mga taong exposed sa mayroong active TB.
  • Pagsabihang magtakip ng kanilang ilong at bibig ang mga taong may TB kung sila'y babahing at uubo.
  • Ugaliin ang paghuhugas ng kamay.
  • Gumamit ng facemask at tissue.
  • Magpatingin sa doktor kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas ng TB.

Source:

https://www.ritemed.com.ph/articles/5-tips-para-maiwasan-ang-pagkalat-ng-tuberculosis

Para sa iba pang impormasyon ukol sa Tuberculosis, maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link sa ibaba:

brainly.ph/question/9230881

brainly.ph/question/380662

brainly.ph/question/2455241

#SPJ1