IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Umiyak _____ umiyak ang bata.
a. Ng
b. Nang
c. At
d. Kung


Sagot :

Umiyak nang umiyak ang bata.

Kailan ginagamit ang salitang "nang"?

1. Ginagamit ang salitang "nang" kapag sinasagot ang tanong na "paano":

Halimbawa:

  • Paano dapat sumagot sa mga nakatatanda? Dapat sumagot nang magalang kapag kinakausap ka ng mga mas nakatatanda sa iyo.
  • Paano maghanda para sa isang kompetisyon ang mga manlalaro? Ang mga manlalaro ay naghahanda nang mabuti sa pamamagitan ng pag-eensayo araw araw kapag may paparating silang kompetisyon.

2. Ginagamit ang salitang "nang" kapag sinasagot ang tanong na "gaano":

Halimbawa:

  • Gaano kalayo ang nilakad mo para makauwi? Naglakad ako nang napakalayo dahil wala na akong masakyan.
  • Gaano karami ang nahuling isda nilang Mang Juan? Nakahuli nang sobrang daming tuna sila Mang Juan.

3. Ginagamit ang salitang "nang" kapag inuulit ang isang salitang kilos:

Halimbawa:

  • Kumain nang kumain ang mga bata pagkatapos nilang maglaro maghapon.
  • Tulog nang tulog si Karen tuwing Sabado at Linggo.

4. Ginagamit ang salitang "nang" bilang pamalit sa salitang "noon":

Halimbawa:

  • Nang bata pa ako, nakatira kami sa tabing dagat.
  • Nang sumabog ang bulkan, isa kami sa mga naging biktima ng kalamidad.

Tignan ang link na ito para sa iba pang halimbawa:

https://brainly.ph/question/26926318

#SPJ4