IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ano ang Matalinghagang Pahayag?
Ang matalinghagang pahayag ay ginagamitan ng mga lipon ng salita na nagnanais magparating iba pang kahulugan. Ang pahayag ay karaniwang nagtataglay ng mga malalalim na salita at hindi basta nauunawaan ng mambabasa ang ipinaparating nito. Kinakailangang ito ay gamitan ng malawak na pang-unawa upang magkaroon ng ideya sa ninanais na iparating ng pahayag
Katanungan
“Tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng pook nabinabalikan niya.” Ano ang ipinahiwatig ng pahayag na ito?
Ano ang Tamang Sagot sa Tanong?
B. Malaki ang naganap na pagbabago sa dating lugar at sa kanya.
Eksplanasyon Kung Bakit Ito ang Tamang Sagot
Sa pahayag na nabasa ay makikita ang salitang “hindi na niya makikilala.” Ibig sabihin ay mayroon itong tinutukoy na maaaring tao, bagay o lugar na maaring nagkaroon na ng pagbabago pagbabago kayat hindi na niya ito makikila. Hindi na ito katulad ng dati na ayon sa kanyang pagkakakilala
Sumunod na makikita naman ay ang “Hindi na siya makikilala pa ng pook na binabalikan niya.” Ang pook na nabanggit ay maaaring tumutukoy sa lugar at ibig sabihin sabihin ng hindi na rin siya makikilala ng dating lugar na binabalikan niya ay maaring nagkaroon na din ng mga pagbabago sa kanya.
Base sa eksplanasyon ay letrang “B. Malaki ang naganap na pagbabago sa dating lugar at sa kanya” ang pinaka-naaayon sa pahayag.
Para sa Karagdagang Impormasyon
Kahulugan ng Talinghaga:
https://brainly.ph/question/535816
#SPJ4
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.