IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

Isang paniniwalang naglalarawan sa transpormasyon ng tauhang babae na naging dahilan ng kanilang ,pagbabago:
A. Humanismo
B. Feminismo
C. Formalismo
D. Naturalismo


Sagot :

Ang paniniwalang naglalarawan sa transpormasyon ng tauhang babae na naging dahilan ng kanilang pagbabago ay Feminismo.

Ano ang Feminismo sa panitikan?

Ang Feminismo ay tumutukoy sa teoryang pampanitikan na tungkol sa mga katangian, kalakasan, at kakayanan ng babae o simbolo ng babaeng tauhan sa kwento. Sa pamamgitan ng paggamit ng paniniwalang Feminismo sa panitikan, nagiging daan ang mga kwento o akda para baguhin ang pagtingin na ang pagiging babae ay nangagnahulugan ng mas mahina na kasarian. Itinatanghal sa mga kwento ang pagbasag ng mga kababaihan sa imahe na sila ay naghihintay lamang na iligtas ng kalalakihan na naging tema ng mga panitikan tungkol sa babae noong una.

Sa ngayon, ang feminismo sa panitikan ay makikita sa pagganap ng mga babae bilang pangunahing tauhan, pangunguna sa mga laban at kapantay kung hindi man mas mataas sa mga lalaki.

Nagiging daan ang panitikan na gumagamit ng paniniwalang Feminismo upang lalong palawakin ang pag-unawa sa kilusang Feminismo.

Tignan ang link na ito para sa dagdag na kaalaman sa Feminismo:

https://brainly.ph/question/7460509

#SPJ4