Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ang pariralang "luha ng mga bituin" na mula sa tulang Tabi ng Dagat ay nangangahulugan na "hamog sa umaga".
Paggamit ng Context Clues o Pahiwatig na Konteksto para maiintindihan ang kahulugan ng mga salita:
Upang malaman ang ibig sabihin ng nakasalungguhit na parirala na "luha ng bituin", maari tayong gumamit ng mga context clues na nasa ibang bahagi ng tula.
- maaga pa - nagsasabi na naganap ito sa maagang oras
- nalalatagan ang damo - ang mga damo ay nabasa ng mga "luha"
Gamit ang mga context clues na ito, maari nating sabihin na ang luha ng bituin ay ang hamog sa umaga. Ito ay dahil ang hamog ay lumalabas lamang sa napakaagang oras, habang hindi pa mainit ang araw at mga damo at ibang halaman ang madalas na nahuhulugan o nakikitaan ng mga hamog sa umaga.
Mahalaga ang paggamit ng context clues upang maintindihan ang mga hindi pamilyar na salita o parirala sa isang pangungusap o talata. May apat na uri ang context clues. Ito ay ang:
- kahulugan o depinisyon
- kasingkahulugan
- kasalungat o kabaligtaran
- halimbawa o paliwanag
Narito ang iba pang detalye tungkol sa context clues:
https://brainly.ph/question/24277764
#SPJ4
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.