IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

"Tinungkod ako nang tinungkod",ang pag-uulit ng salitang tinungkod ay nagpapahiwatig ng:
A. Paulit-ulit na ginawa
B. Isang beses na ginawa
C. Madalang na ginawa
D. Palaging ginawa


Sagot :

Ang pag-uulit sa salitang tinungkod sa pahayag na “tinungkod ako nang tinungkod” ay nagpapahiwatig ng A. paulit-ulit na ginawa

Ano ang ibig sabihin kapag ang isang salita ay inuulit at pinagdudugtong ng “nang”?

  • Kapag ang isang salitang kilos o pandiwa ay inuulit at ginamitan ng salitang “nang”,ang ibig sabihin nito ay paulit-ulit na ginagawa ang kilos na tinutukoy. 

Iba pang halimbawa:

  • Takbo nang takbo si John kanina sa parke kaya siya ay napagod.
  • Huwag kang kumain nang kumain kung ayaw mong madagdagan pa lalo ang iyong timbang.
  • Nang magkasakit ang nanay ni May, wala siyang ibang ginawa kundi magdasal nang magdasal na sana ay gumaling na ang kanyang ina.
  • Maraming Pilipino ang kayod nang kayod sa panahon ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.
  • Gusto kong mag-aral nang mag-aral para mataas ang makuha kong iskor sa darating na pagsusulit.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa pag-uulit ng salita at paggamit ng "nang" dito:

https://brainly.ph/question/2749269

#SPJ4

Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.