Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Ikaw ay naghahanap ng trabaho anong bahagi ng pahayagan

Sagot :

Kung maghahanap ng trabaho sa isang pahayagan, dapat na hanapin ng mambabasa ang anunsiyo-klasipikado.

Sa anunsiyo-klasipikado nakalimbag ang mga patalastas para sa mga trabaho at binebentang bahay, lote, sasakyan, at iba pang ari-arian. Bukod sa mga nabanggit, maaari ring makita sa bahaging ito ng diyaryo ang mga paalala, babala, paunawa, pagbati, at iba pang abiso mula sa mga kompanya, tanggapan, gobyerno, at maging sa mga pribadong indibidwal.

Kalimitang maliit ang tipo (type) ng mga nakalimbag sa anunsiyo-klasipikado ngunit nilalaman ito ng mahahalagang detalye ukol sa abiso. Kabilang sa mga impormasyong bahagi ng anunsiyo ang kailangang manggagawa, pangalan ng kompanya, numero, adres, at mga rekisito ng trabaho. Bagama’t mas madali nang maghanap ng trabaho online, may ilan pa ring kompanyang nagpapaskil sa mga anunsiyo-klasipikado upang maabot ang mga hindi sanay sa internet.

Kalakip nito ang halimbawa ng mga nakalimbag sa anunsiyo-klasipikado:

Alamin dito ang iba pang bahagi ng pahayagan: https://brainly.ph/question/13919092

#SPJ1

View image BrainRays
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.