IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Kilalá si Apolinario de la Cruz (A·po·li·nár·yo de la Krus) sa bansag na “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José. Pinamununan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Español na nakabatay sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Español at Indio sa kaparian.Isinilang siya noong 22 Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng Lucban, Tayabas (ngayon ay lala- wigan ng Quezon) kina Pablo de la Cruz at Juana Andres, pawang mula sa pamilyang maykaya at debotong Katoliko. Pinangarap niyang magpari, at sa edad na 15 ay sumubok sumali sa orden ng mga Dominiko saMaynila. Ngunit hindi pa noon tumatanggap ng mga Indio ang mga ordeng Romano Katoliko, kung kayâ naging donado na lamang muna siya sa Ospital ng San Juan de Dios at nagtrabahosa Cofradia de San Juan de Dios. Sa panahong ito pinag-aralan ni de la Cruz ang Bibliya at iba pang banal na kasulatan
Explanation:
hope helps
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.