IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Sumulat ng isang sanaysay na nagsasaad nang mga mungkahi o mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

Sagot :

Answer:

Ano ang mga Dapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad?

Ang kalamidad ay isang pangyayari na hindi maaaring iwasan ngunit maaaring paghandaan. Isa itong pangyayari na kumikitil ng maraming buhay at sumisira ng milyun-milyong halaga ng ari-arian. Ang mga kalamidad tulad ng baha, lindo, landslide, tsunami at buhawi ay nag-iiwan ng napakalaking pinsala sa ating lahat.

Maaari tayong maghanda bago pa man dumating ang sakuna. Ilan sa mga paghahanda na maaari nating gawin ay ang mga sumusunod: pag-iimbak ng maraming pagkain, malinis na inuming tubig, malinis na mga damit, powerbank para sa mga cellphone at mga kandila o lampara kung sakaling mawalan ng kuryente.  Mahalaga rin ang panonood sa telebisyon at pakikinig sa radyo ng balita para maging updated sa mga pangyayari bago pa man dumating ang kalamidad nang sa gayon ay mabigyan agad ng abiso ang miyembro ng pamilya na hindi panakakauwi sa bahay. Siguraduhin rin nasa loob ng bahay ang mga bata upang maiwasang masaktan ang sinuman sa kanila sa oras ng kalamidad. Ang pinaka-mahalaga sa lahat, ay huwag magpanik upang manatiling malinaw ang isipan at maiwasan ang mga sakuna.

Maiiwasan ang malaking pinsala ng kalamidad kung tayo ay magiging responsableng mamamayan. Matuto sana tayong magtapon ng basura sa tamang lugar at ihiwalay ang mga plastic nang sa ganoon ay hindi bumara ang mga ito sa sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng matinding pagbaha. Malaking tulong rin ang pagtatanim ng mga puno upang maiwasan ang pagbaha, maging ang pagguho ng lupa o soil erosion. Kung lahat tayo ay magiging responsable, sama-sama nating malalampasan ang anumang kalamidad na dumating sa ating bansa.

Explanation:

correct me if im wrong pabrainliest nadin wc:)