IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Agueda Kahabagan
Si Agueda Iniquinto Kahabagan ay kilala bilang si "Henerala Agueda" ay nagmula sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna. Nakilala siya dahil sa katangi-tangi niyang katapangan at madalas na nakikitang nagdadamit puti na may dalang gulok at riple sa magkabilang kamay habang nakikipaglaban.
Kilala rin si Henerala bilang komisyon nu Heneral Miguel Malvar upang pamunuan ang isang kawan ng mga sundalo noong Mayo 1897. Siya ay isa rin sa mga nanguna sa pagsalakay ng Garrison ng Espanyol sa San Pablo, Laguna noong Oktubre 1897.
Siya ay ang nag-iisang nailathalang Henerala sa listahan ng mga Heneral ng Rpublika ng Pilipinas. Natamo niya ang ranggo noong Enero 4, 1899.