IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Pahinang Panlibangan
Sa pahinang ito ng pahayagan ay makikita ang mga komiks, mga palaisipan na tulad ng sudoku at crossword at iba pang nakakaaliw na gawain.
Narito pa ang ibang parte ng pahayagan:
- Pamukhang Pahina
– makikita rito ang pamagat, petsa, pangalan ng pahayagan at ang mga mahahalagang balita.
- Balitang Pandaigdig
– mababasa sa pahinang ito ang mga balita galing sa iba’t ibang panig ng mundo
- Balitang Panlalawigan
– makikita dito ang mga balita mula sa ibat ibang lalawigan sa bansa.
- Pangulong Tudling/ Editoryal
– sa pahinang ito mababasa ang mapanuring pananaw na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong isyu.
- Balitang Komersyo
– dito mababasa ang mga balita tungkol sa komersyo at industriya.
- Anunsyo Klasipikado
– mababasa rito ang mga anunsyo para sa iba’t ibang uring hanapbuhay, at mga ipinagbibili na bahay at lupa, sasakyan, atbp.
- Obitwaryo
– ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namayapa nakalagay din dito ang ibang importanteng impormasyon kaugnay nito tulad ng kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.
- Lifestyle
– mababasa dito ito ang mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay tulad ng pagkain, paghahalaman, tahanan atbp
- Isports/ palakasan
– makikita dito ang mga balitang may kinalaman sa palakasan tulad ng basketball, boxing, atbp.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.