IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Bakit inaresto si ibarra? 2. ano ang ginawa ni elias sa mga kasulatan at alahas ni ibarra?

Sagot :

Answer:

Si Ibarra ay inaresto dahil sa bintang na pag - aalsa. Ang naturang pag - aalasa ay isinumbong ng isang babaeng mangungumpisal. Sinabi ng babae na lulusubin ang kuwartel at ang kumbento ng mga insurektos. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay.  

Ang mga kasulatan at alahas ni Ibarra ay sinunog ni Elias. Ito ay upang ikubli ang lahat ng mga ebidensya na maaaring magdawit kay Ibarra sa naganap na paglusob. Nais niya na walang makuhang anumang kasulatan ang mga kawal kaya't sinikap niya na makagawa ng malaking apoy upang hindi na sila makalapit pa sa gabinete.

Explanation: