Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Ang kahulugan ng LONGHITUD ay mga pababang linya sa mapa o globo. Ito ang nagbibigay direksyon sa silangan o kanluran. Ang Linyang ito ang gamit upang matukoy ang oras sa bawat bahagi ng mundo. Ang bawat 1 digri ang layo na longhitud ay may distansiyang 111.32 km. Sa mga polo nagtatagpo ang mga meridian. Bawat digri ng longhitud ay nahahati sa 60 minuto.
Ang kahulugan naman ng LATITUD ay mga pahalang na linya sa mapa o globo. Ang latitud ang nagbibigay ng lokasyong hilaga o timog ng ekwador. Ito rin ang mga linyang ginagamit upang tukuyin ang klima sa isang bahagi ng mundo.
Tatlong malalaking pangkat ng latitud:
- Mababang Latitud
- Gitnang Latitud
- Mataas na Latitud
Grid o Parilya
Ang guhit ng Latitud at Longhitud na nagtatagpo na tila mga krus sa Globo o mapa ay tinatawag na Grid o Parilya. Ang isang lokasyon ay maaaring ma-mapa o matatagpuan sa isang sistema ng grid sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng dalawang numero na ang mga pahalang at patayong mga coordinate ng lokasyon; o, upang sabihin ito ng isa pang paraan, ang "intersection" kung saan matatagpuan ang lugar
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Grid o Parilya tignan ang link na ito.:
https://brainly.ph/question/1521621
Sa isang Mapa kinakailangan ang mga elemento na ito upang mas madaling basahin at intindihin ng gagamit nito.
Mga Elemento Ng Mapa
- Titulo – Ito ay napakita na kung anong uri ang mapa.
- Legend – ito ang mga simbolo o markings na nasa mapa. Ito ay napakita kung anong mga pook na meron sa isang daanan.
- Iskala – ito ay napakita ang mga ratio sa pagitan ng sukat o distansiya ng mapa katumbas na sukat o distansiya ng mundo.
- Direksiyon – Marka ng (hilaga, timog, silangan, kanluran)
- Longhitud at Latitud – ito ay napakita ng heograpikal sukat na nasa mapa.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Elemento ng Mapa tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/114239
Kahalagahan ng pag-aaral ng Longhitud at Latitud
- Karamihan sa mga mapa na ginagamit ay kasama ang latitude at longitude.
- Malaking tulong ang mga linyang ito na mabilis at tumpak na mahanap ang mga lugar at mga tampok sa ibabaw ng lupa.
- Ang Latitude at longitude ay may mahalagang papel sa pagtukoy ng mga oras at petsa.
- Nakabase sa longhitud ang timezone ng isang bansa o lugar.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa kahalagahan ng Latitud at Longhitud tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/1483846
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.